Skinpress Rss

banat sa pag-big


pick up lines collections...

oldies...

boy: kaya pala walang bituin sa langit eh...

girl: huh? bakit naman?

boy: nandito ka kasi...

-------

girl: break na tayo... kailangan ko kasi mag concentrate sa studies ko.

boy: ah ganun ba? siguraduhin mo lang na wala kang bagsak.

girl: bakit naman?

boy: kasi kung hindi... TAYO ULIT!!!

-------
pag nadulas ka sa harap ng crush mo...
ang the best na palusot:


"see how i fall for you?"
-------
boy: [nahihiya]

girl: may nangyayari ba sayo?

boy: wala naman.. kasi nung nakita kita parang pringles na yung tibok ng puso ko.

girl: bakit naman pringles?

boy: kasi nung nakita kita, it popped and now it won't stop.
-------

addict: alam mo bang mahal na mahal kita? at handa kong gawin lahat para sayo

prosti: talaga? pero hindi ito tama dahil wala na akong nakaraan.

addict: ayos lang yun wala rin naman akong hinaharap.
-------

girl: (taas noong nilapitan ang bestfriend at crush niya nung highskul dahil sexy at maganda na siya ngaun) pano ba yan sexy at maganda na ko ngayon, siguro naman maiinlove ka na sakin?

boy: nagpapatawa ka ba?

girl: kainis to ginawa ko na nga lahat tapos tatawanan mo lang ako.

boy: eh pano, noon pa naman mahal na kita, may paganyan ganyan ka pa.
---------


boy: excuse me, hindi ba masakit?

girl: ang alin?

boy: ung katawan mo?

girl: hindi naman, bakit?

boy: tinadtad na kasi ng kagandahan
---------------

crush: hoy, ano ba! nakakainis ka na!

ikaw: huh? bakit? inaano ba kita?

crush: un nga eh wala kang ginagawa!

ikaw: kaya nga wala akong ginagawa tapos naasar ka. bakit ba?

crush: eh kasi mahal na kita. ano? manliligaw ka ba?

--------------
boy: alam mo matindi ka pa sa gravity.

girl: talaga?

boy: oo naman, ang lakas kasi ng hatak mo sa puso ko.
--------------
oy: marunong ka bang mag budget?

girl: hala bakit?

boy: napapamahal na kasi ako sa'yo.
-----------
boy: pwede mo ba ko tulungan? naliligaw na kasi ako eh.

girl: bakit san mo ba balak pumunta?

boy: sa daan na didiretso sa piling mo.
------------
palusot ng bobong manliligaw:

bobo: hindi naman totooang sinasabi nila na bobo ako. May isip din naman ako at Ikaw lang lagi ang nandun.
-----------
girl: nakakainis naman. Ang bagal.
boy: (siyempre sasagot ka? habang pinagpapawisan) oo nga ang bagal ng elevator no?
girl: hindi. ikaw! ang bagal mo kasing dumiskarte.
-----------
boy: ate nakakaawa ka naman. hindi ka ba nalulungkot?
girl: hindi naman, bakit mo naitanong yan?
boy: kasi nagiisa ka lang sa puso ko.

cosplay


Late na naman ako sa sked ko.. Naimbitihan ako sa isang invitational cosplay sa mall of asia.. 10am ang call time,aba 8am na nasa calamba pa lang ako. Hindi man lang umuusad ang bus na sinasakyan ko may aksidente na naman daw kasi. So I decided na magmake-up na sa bus since wala naman ako katabi walang problema sa mabilisang kilos. Almost done na ako sa upper lip ko ng umusad ang bus.. Letse!! Dami pa lang nakikitsismis kaya trapik talagang binabagalan ang takbo para masatisfy ang kanilang curiousity. Tumagilid yung bus tapos humampas sa katabing truck.
Natigilan ako. Hindi dahil sa aksidente kundi may tumabi saken na pasahero. So I need clean up my mess para hindi siya madumihan.
"Swerte ko naman". bulong ko sa sarili ko. Eh pano ba naman eh super ganda ng katabi ko. May kasabay naman siyang dalawang guy mas ginusto pa na tumabi saken. Nahihiya naman ako tumitig kaya binuksan ko ang face powder ko. Sinisilip ko dun ang mukha nya ng bigla siyang ngumiti.
Shit!! Buking ako na tumitingin sa kanya..Wah!
Bigla siyang nagsalita.
"Excuse me, nakakatuwa naman ang itsura mo."
"Ah, ito ba, sasali kasi ako ng cosplay sa manila e."
"Cosplay?"
"Fashion show yun ng mga may ginagayang character madalas anime from japan."
"Weird."
Ipinaliwanag ko sa kanya ang cosplay at ilang pics ng sinalihan kong event. Then, iniba ko usapan kelangan kong makapuntos..
"Trapik noh?"
"Oo nga eh, tumagilid kasi yung bus na sinasakyan namin."
"What? Kasama ka dun?"
"Oo.But Im ok."
"Shucks. Are you sure your ok? Bka may galos ka dyan?Yung kasama mo?"
She smiled.. Palagay ko ok naman kasi nasa katapat silang upuan.
"By the way I'm Jay."
"Im yssa."
Kinuha ko ang phone ko at nagrequest ako ng pics namen together. Then hiniram nya ang phone ko. Titingnan yata ang kopya.
Kukunin ko na sana ang number kaso bigla na siyang pumara.Sayang ang pagkakataon. Kinunan ko ulet siya ng pic.Medyo blurred nga lang kasi humarang yung dalawang kasama nya.
Biglang akong pinagpawisan at tumindig ang balahibo.. Kitang kita kong nakalutang ang paa ng dalawa nyang kasama. Hindi pa man bumubukas ang pinto ay nakalabas na ang kalahati ng katawan nila. Minasdan ko ang paligid ako lang ang nagrereact. Umandar ang bus na parang walang nangyari.
Kinuha ko ulet ang phone ko para magtext sa organizer ng cosplay. Nagulat ako sa nakasulat sa message..
"Thanks! pinasaya mo ko. Please pray for my two guy friends. 50:50 ang survival nila sa accident.-yssa"
Natapos ang cosplay hindi ako nakarating.

Dear Pilipinas,


Dear Pilipinas,
Handa na ulit kami sumabak sa gyera sa Mindanao. May dinukot kasi ulit na dahuyan ang mga rebelde. Sa utos ng nakatataas kailangan namin siya iligtas kahit ilang buhay pa ng sundalo ang kapalit. Hindi naman ako nagrereklamo kasi may nga may sinumpaan kaming tungkulin na ipaglalaban ka namin sa lahat ng pwersa ng kasamaan. Subalit paano ka namin ipagtatanggol eh mas malakas pa ang gamit ng rebelde samen.. Kungbaga palaso lang ang gamit namin sila nakamortar na, di ba? Minsan nga naiingit ako sa mga napapatay naming rebelde kasi mas maganda pa yung combat boots nila eh yung gamit ko 5 years ng di napapalitan at sobrang ng dependent sa rugby.

Balik tayo sa dinukot na dayuhan, nagtataka lang ako na may malaki ng harang na "KEEP OUT" eh pilit pa rin silang pumupulislit kesyo may medical mission daw sila sa war zone. Ilang paliwanag na namin sa mga NGO pero pinaiiral nila ang dedication na makatulong. Hindi naman ako tutol sa ginagawa nila Pilipinas, pero pwede naman sila magsilbi ng malayo sa rebel areas di ba? Kung tutuusin replay na nga ito e. Dami ng dinukot, daang sundalo na ang namamatay para iligtas lang ang isang tao. Sumisikat sila, may nagkamovie pa yata pero ang namatay na sundalo parang balat lang ng kendi na hindi man lang pinahalagahan.

Noong nasa akademiya pa ako napakaganda ng idolohiya namin at talagang ikakarangal mo maging sundalo. Pero kapag napapalaban kami parang nakakapagsisi rin e. May time kasi na kami pa yung napapasama kapag may napapatay kaming rebelde bantay sarado kasi ng CHR ang karapatan ng mga napapatay. May rules of engagement nga naman daw, kapag suko na dapat hindi na dapat barilin. Maiisip mo pa ba yun kitang kita mo kung pano nya patayin ang kapwa mo sundalo. May time nga kunyari susuko sila eh may granada pala yun ubos ang isang tropa ng marines. Masisisi mo ba kami na tapusin ang buhay ng mga rebeldeng yun.??


Basta Pilipinas ipagadasal mo na lang kami. Malay mo huling sulat ko na to sayo..


Nagmamahal,
Sundalo mo

rated pG


Paunawa.Ang sulating ito ang naglalaman ng sensitibong pananaw.Malinaw na pag-iisip ay kailangan.

RAted PG
sa panulat ng aking tuyong tina..
Nabuhay ako para tapusin ang buhay ng mga taong sumasalungat sa aking paniniwala. Pakiramdam ko wala ng mabuting tao sa mundo. Wala ng batas na para sa tao.Bata pa lang ako nung una akong pumatay. Tandang tanda ko pa kung paano ko inundayan ng saksak ang aking mga magulang upang ipagtanggol ang aking sarili. Tinuruan nila ako magnakaw para buhayin sila. Sa tuwing uuwi ako na walang nanakaw ay pasa at sugat ang inaabot ko. Sa edad kong labing isa noon ay nabuo ang aking matinding galit. Matapos nilang umuwi ng talo sa sugal at lango sa alak, ibinunton sa aking ang lahat ng kamalasan. Buo na ang aking plano, kailangan na ng pagbabago. Una kong inundayan ng saksak ang demonyo kong ama kasunod ang ang walang kwentang ina. Nagdilim ang aking paningin, nangibabaw ang galit, wala na akong magulang. Malaya na ako.Dinala ako sa DSWD para iwasto daw ang aking pagkakamali. Pero alam ko na iyon ay tama. Iyon ang nararapat. Lumipas ang 10 taon, kailangan ko ng lumabas para ituwid pa ang isang pang pagkakamali. Kailangan kong wakasan ang kababuyang ginagawa ng aking tiyuhin sa aking kapatid. Walang araw na hindi siya umiiyak sa kahayupang dinadanas sa nag-iisa na naming kamag anak. Makailang ulit na panggagahasa at pambubugaw ang umaabot sa aking balita. Hapon noon, katatapos lang ng lingguhang sabong,masaya si tiyo. Nanalo yata. Magsaya ka na. Iyan na ang huli mong tawa. Agad ay isang tubo ang humampas sa malademonyo niyang mukha. Kitang kita ko kong paano siya magmakaawa at humingi ng tulong. May ilang sigaw akong naririnig, may humihingi ng awa, may umiiyak at may natatakot. Ilang hambalos pa at tuluyang na siyang binawian ng buhay. Hindi ko alam kung masaya ako. Galit na lamang ang natitira kong pakiramdam. Hindi ko na maalala kung kailan ako huling ngumiti o kung nakaranas ba ako ng pagngiti.Simula noon ako ay kinatakutan sa kalye Noebo, lahat ay umiiwas na parang mayroon akong sakit na nakahahawa . Ilang pang mga magnanakaw ang aking pinatay matapos saktan ang matadang walang laban. Ilan ding durugista ang aking nilipol. Itinaob ko ang katawan ng sinumang pulis na gustong humuli sa akin. May natuwa, may nagalit, may humusga at may nagpasalamat.Marahil ako ay inyong huhusgahan na mali ang aking ginawa. Para sayo ay may batas na dapat magparusa at may Diyos na may karapatang humusga. Pero sa kalye Noebo, binibili ang batas at inilalako ang pananampalataya. Masisi mo ba ako sa aking mga nagawa!?. Tanawan mo ang aking paniniwala. Alispustahin mo ang aking pagkatao. Kaawaan mo ang dinadanas ko. Pero tanungin mo rin ang sarili, may nagawa ka na ba para ituwid ang mali ng tao? Kumilos ka ba para sugpuin ang kaapihan ng nasa paligid mo? Nabuhay ako para tapusin ang buhay ng mga taong sumasalungat sa aking paniniwala. Ngayon, handa ka na bang sumalungat sa paniniwala ko? Kung oo. Mag-ingat. Malapit ko ng tapusin ang buhay mo!!.