Skinpress Rss

Love Bus - Chapter Nineteen


Love Bus
by arianne & panjo

Chapters 1 | 2 | 3 | 4 | 5 | 6 | 7 | 8 | 9 | 10 | 11 | 12 | 13 |14 |15 | 16|17|18


Medyo madilim ng nakarating si Andrew sa bahay ng kanyang Kuya Stephen. Nararamdaman na naman niya ang kakaibang kaba nung may makita siyang babae sa park na tila matagal na niyang kilala. Pero hindi niya ito nagawang tawagin. Bakit? Una, hindi niya alam ang pangalan nito. Pangalawa, baka mamaya ay mapagkamalan pa siyang rapist kapag bigla na lamang siyang lumapit dito.


"Oh Andrew, andiyan ka na pala." Bati ni Heidi sa kanya.


"Oo ate. Eh ang Kuya ba?"

"Nandun sa park, at tinawagan ni Miel. Mukhang pumayag na ata sa hinihinging pabor ng kuya mo para sa negosyo mo."

"Miel? Siya ba yung tinutukoy ni Kuya na may consultancy firm?"

"Ah oo. Bukod sa matalino, mayaman, eh talaga namang maganda yung si Miel. May pagka brusko lang paminsan. Parang hindi dalaga. Alam mo, palagay ko ay magkakasundo kayo. Sayang lang at aalis na din daw sabi ng Kuya mo. Madami pa daw aasikasuhin, sadyang pinagbigyan lang ang hiling niya."

"Mukha ngang mabait. Sana ay ma-meet ko siya."

Sakto namang dating ni Stephen at narinig ang pinaguusapan ng dalawa. Nakangiti siyang pumasok ng bahay at sinalubong ng ngiti ang dalawa.

Nanalo ako sa raffle


Maagang gumising si panjo para maghakot ng kanyang gamit papunta sa kanyang bagong bat cave. Natripan nya kasing magboard muna kaya humanap siya ng pwedeng tuluyan. Full-packed ang bag na mahirap isara ang zipper at halos lumawit ang kanyang dila sa bigat..

Umakyat siya sa kaisa-isang overpass sa tanauan habang kumakanta ng waka waka. Pagkatapos ay sumakay ng jeep at naisipan nakakaabala ang kanyang pagkanta. Nakonsenya siya. After nya makonsensya ay kumanta na ulit.


Bumababa siya ng sto tomas at naghintay ng bus patungong san pablo. Sinuwerte siyang nakasakay ng bus na may wifi.

Please vote naman ng HU U? at ng blog ko


Hello, katuwaan blog awards lang ito..
baka pwede ulit humingi ng tulong..

sa Best Post of the Year

pakiboto naman ang HU U?

Hakot Award Blogger of the Year

Panjo of tuyong tinta ng bolpen.

pakibisita sa site na ng TABA. Pakigamit na lang ng search para madaling mahanap ang tuyong tinta..

Thank you!


Love Bus - Chapter Eighteen


Love Bus
by arianne & panjo

Chapters 1 | 2 | 3 | 4 | 5 | 6 | 7 | 8 | 9 | 10 | 11 | 12 | 13 |14 |15 | 16|17



"Pass nako. Ikaw nalang. Masyado ata akong napagod sa biyahe eh." Sabi ni Christine sabay hawak sa ulo.

"Ikaw? Napagod? Weh?" Mapang-asar na sabi ni Miel. "Imposible!"

"Bakit, wala ba akong karapatang mapagod? Kalabaw nga napapagod e. Ako pa kaya na maganda lang. Tsaka if I know, hindi naman pasyal ang habol mo. Gusto mo lang makita ang prince charming mo." May halong panunukso na bawi naman ni christine. "Marinig mo lang ang salitang baguio pati tonsil mo kinikilig!"

"Ay ewan nga sayo! Pupuntahan ko na nga lang si Stephen, siya naman talaga ang ipinunta ko dito. Bonus nalang siguro kung may makasalabong ako kakilala."

"So umaasa ka pa din pala? Buti pa ang alaga mong aso madaling pagsabihan!"

"No! I just want to see him, and tell him I'm sorry. Plus gusto ko din malaman kung kamusta ba yung deal niya. Kasi alam kong malaking factor ang ginawa kong kalokohan sa kalalabasan nun." Saad ni Miel na halatang guilty padin sa ginawa niya.

Tutor - Maikling Kwento


"Papa!" sigaw ni Kyle pagkapasok ng bahay.

"Oh kamusta? Mahirap ba?" tukoy ni Donald sa exam ng anak. Nasa grade three na si Kyle at masayang s'yang nakikitang masipag ito sa pag-aaral. Sulit ang bawat pagod niya sa trabaho dahil palagi itong may dalang magandang balita pag-uwi.

"Look!" pagmamalaki ni Kyle habang iniaabot sa ama ang test paper.

Ngumiti si Donald. "Basahin mo na lang anak. Parang mas masarap madinig para ganahan akong magtrabaho palagi."

"Math 100. English 90. Filipino 100. Science 95!"

"Galing talaga ng anak ko!" Hinawakan niya ang anak sa ulo pagkatapos ay tinatapik ng isang kamay ang balikat. "Naasan nga pala si Lyn?"

"Pinauwi ko na po!" Si Lyn ang tutor ni Kyle mula pagkabata. Hindi pa man nag-aaral si Kyle ay ikinuha na niya ng tutor ang anak.

Napakunot ang noo ni Donald. "Bakit mo pinauwi anak?"

"Sabi ko sa kanya aalis tayo ngayon. May pangako ka po di ba?"

Bahagyang siyang nag-isip at inalala ang ipinangako sa bata. Naalala niya ang laruan gusto ni Kyle noong minsan silang dumaan sa Mall. "Oo nga pala. Maglilinis lang ako ng kamay. Aalis na tayo."

"Bilisin mo Papa! Baka mawala pa ang toy sa store."

Namatay sa sakit sa baga ang asawa ni Donald noong isang taon gulang pa lang si Kyle. Dala ng hirap ng buhay hindi naagapang ipagamot ni Donald ang asawa. Namamasukan siya bilang mekaniko noon kaya di sapat ang nagiging kita niya. Simula noon isinumpa ni Donald ang kahirapan. Hindi niya hahayaang danasin ni Kyle ang paghihirap niya noon. Nagtayo siya ng sariling talyer matapos makaipon. Bukod sa magaling siyang magkumpi mura lang siyang sumingil kaya madami siyang kustomer. Ibinuhos niya ang kanyang oras sa pagtatrabaho para sa ikabubuti ng anak. Kumuha siya ng tutor para tumutok sa pag-aaral ni Kyle.

"Papa, pwede bang wala na lang akong tutor?" hiling ni Kyle sa ama.

"Napag-usapan na natin ito dati. Kyle, hindi ko matutukan ang pag-aaral mo kaya kailangan natin si Lyn."

"Kaya ko na naman po. Grade Three na po ako e."

"Sa ngayon kaya mo... pero kapag mahirap na baka di kita matulungan," paliwanag niya sa anak. "Kita mo naman madami akong kustomer palagi."

Bahagyang sumimangot ang bata pero lumiwanag muli ang mukha nito matapos makita ang laruang pakay sa mall. Isang set ng pokemon duel monters.

"Nandito pa Papa!" Kinuha niya ang laruan at hinila papunta sa counter ang ama. "Miss!"

"Good afternoon po," bati ng cashier. Kinuha niya ang laruang hawak ng bata. "P 235.50 po."

"P 235.50," bulong ni Donald sa sarili. Tiningnan niya ang laman ng wallet. "Ito ang bayad." Iniabot niya ang isang daan piso.

"Sir P 235.50 po," banggit muli ng cashier. "Kulang pa po ng P 135.50."

"Pasensya na malabo na ang mata ko. Mali ang nakuha ko sa wallet ko," natatawang wika ni Donald. Sinuklian naman siya ng ngiti ng cashier. "Ito na." Iniabot niya ang limang daang piso at ibinalik sa kanya ng cashier ang isang daang piso.

Ipinasyal pa niya ang anak sa mall. Bumili ng ilan pang gamit na pwedeng makatulong sa pag-aaral ng anak. Tuwang tuwa si Kyle kaya nag-uumapaw din ang kaligayahan ni Donald.

"Ano? Gaano katagal?!" iritableng boses ni Donald.

"One month kuya," sagot ni Lyn. Humingi siya kay Donald ng bakasyon para makadalaw sa mga kamag-anak niya. "Matalino naman si Kyle kaya hindi naman siguro siya maiiwan sa klase."

"May magagawa pa ba ako." Bumalik si Donald sa pagkukumpuni ng sasakyan. Halatang masama ang loob. "Sana nagsabi ka ng maaga para nakahanap ako ng pansamantalang kapalit."

"Pasensya na talaga kuya. Biglaan din kasi ang abiso sa akin."

Hindi alam ni Donald kung saan lupalop siya kukuha ng pasamantalang kapalit ni Lyn. Bibihira sa lugar nila ang masasabing may utak at matyagang magturo sa bata. Bukod pa dito, nagiging tagasundo at hatid na din si Lyn ni Kyle dahil magkalapit ang school na pinapasukan ng bata at trabaho ni Lyn.

"Oh! Donald, bakit ikaw yata ang sundo ni Kyle ngayon?" puna ni Ms. Jazz Robleo, isang teacher din sa pinapasukan ni Kyle.

"Magbabakasyon daw muna si Lyn kaya ako muna," sagot niya.

"Wala si Ate Lyn, Papa?" singit ni Kyle kahit nadinig na niya sa ama na wala si Lyn.

"Wala e. Isang buwang wala kang tutor."

"Papa!" Hinila niya ang kamay ng kanyang ama. "May ibubulong ako sa'yo."

"Ano? Susubukan ko anak."

"Ano namang pinagbubulungan niyong mag-ama?" usisa ni Jazz. "Parating na ang tricycle."

"Ah, Eh. Sabi ni Kyle kung pwede ka daw munang substitute tutor."

"Hmmm. Pag-iisipan ko muna."

"Yes! May bago na akong tutor!" sigaw ni Kyle.

"Pag-iisipan pa daw anak."

"Ayaw mo ba sa akin Ma'am?" tanong ni Kyle. "Lagi naman po tayong magkasama sa tricycle kaya po magaan na ang loob ko sa inyo."

"Siguro nga anak ayaw niya sa atin. Pero kahit wala ka ng tutor huwag mo sanang pababayaan ang pag-aaral mo," gatong niya sa hirit ng anak.

"Opo, Papa. Huwag po sana kayo magalit kung magiging mababa ang grades ko."

"Okay! Okay! Payag na ako," mabilis na sagot ni Jazz. Nag-apir ang mag-ama.

Nagsimulang maging tutor si Jazz ni Kyle. Tuwing hapon ang session nila. Tulad ni Lyn, araw-araw silang magkasabay pumasok at umuwi. Malambing na bata si Kyle kaya hindi nakararamdan ng pagod si Jazz. Isa pa, madaling makaunawa ang bata sa mga aralin kaya parang tagapanood na lang ang ginagawa niya. Napamahal sa kanya ang bata kaya parang kapatid o higit pa sa kapatid ang turing niya.

"Alam mo Donald, palagay ko hindi kailangan ng anak mo ang tutor," suwestyon ni Jazz.

Napabaling si Donald kay Jazz. "Kailangan niya, para sa kanya din iyon." Lumakad siya papunta sa kusina. Hindi niya gustong may nakikialam sa mga desisyon kapag pag-aaral ni Kyle ang nakasalalay. Ayaw niyang makipagtalo kaya umiwas siya sa dalaga.

"Matalinong bata si Kyle. Kung tutuusin wala akong ginagawa dito kasi kaya niyang sagutan lahat," katwiran niya. "Kahit ang bata ayaw niyang tulungan siya kasi gusto niyang patunayan na kaya n'ya."

"Bata pa si Kyle para malaman ang nararapat."

"Pero dapat nakikinig ka din sa opinyon ng anak mo!"

Matigas si Donald. "May gagawin pa ako sa labas."

Nanatili ang katahimikan sa pagitan ni Donald at Jazz. May pader na humaharang kay Jazz para ilapit ng husto ang kanyang loob sa lalaki. May damdaming gustong sumabog sa loob niya. Gusto niyang imulat ang mata ni Donald pero umiiwas palagi ito. Alam niyang tahimik na tao si Donald pero hindi niya akalain na lubhang misteryoso ang pagkatao nito. Pakiramdam niya ay hindi niya kayang tumagal sa loob ng bahay buti na lang nababago ang mood niya dahil sa magiliw na pagtanggap sa kanya ni Kyle.

"Papa, galit ka ba kay Ma'am?" usisa ni Kyle.

"Hindi. Hindi anak," mabilis na sagot ni Donald.

"Ma'am, hindi daw po galit sa'yo si Papa. Ma'am, ikaw galit ka ba kay Papa?"

"Huh?" Umiwas siya ng tingin sa bata. Nagkunyari siyang busy sa pagtuturo sa bata. "Hindi Kyle."

"Hindi naman pala e." Hinila ni Kyle ang kamay ng ama. Pinaupo niya ito sa tabi ni Jazz. "Mag-usap po muna kayo. Kukuha lang po ako ng maiinom."

Kinagat ni Jazz ang kanyang labi para pigilan ang paglitaw ng kanyang ngiti. Tumingin siya kay Donald, nakangiti ito sa kanya. "Ikaw kasi." Sabay silang nagtawanan sa kanilang pag-aasal bata.

Tumayo si Donald para sundan ang anak sa kusina. Pinabalik na niya si Kyle sa sala dahil baka makabasag pa ito ng mga kasangkapan. "Kukuha lang ako ng kape."

"Sige."

"Kyle! Kyle! Nasan ang kape at asukal!" tawag ni Donald sa anak. Mataas ang kanyang boses dahil palagi niyang pangaral sa anak na dapat ibalik ang lahat ng gamit sa pinagkunan para hindi mahirap hanapin.

Halip na si Kyle ang lumapit, si Jazz ang pumunta sa kusina. "Hayan oh! Kung ahas 'yan, tutukain ka na e." Itinuro ni Jazz ang ilang bilog na sisidlan. May label ang bawat lalagyan kung ano ang laman nito.

Binuksan ni Donald ang sidsidlan para masigurado ang laman nito. "Hindi lang ako sanay na binabago ang mga gamit." Hindi siya humarap sa kausap.

"Hindi mo ba nagustuhan? Project iyan ni Kyle." Hinawakan niya ang isa at inilapit sa mukha ni Donald. "Maganda naman di ba?"

"Maganda," tipid na sagot niya. "Nasanay lang siguro akong na isang tingin ko pa lang ay alam ko na ang kukunin ko."

Ilang araw na lang matatapos na ang pagiging tutor ni Jazz. Nakabalik na din si Lyn kaya paniguradong hanap-hanapin n'ya ang presence ni Kyle. Pinagmamasdan niya ito habang inilalagay ang baon sa bag. Sa isip niya, may paghanga siya kay Donald dahil napalaki niya ng may pagkukusa si Kyle. Hindi na kailangan iutos ang mga bagay na kaya nitong gawin.

"Kyle baka mahuli na tayo!" paalala ni Jazz.

"Saglit lang po, ididikit ko lang po itong sulat." Lumapit siya sa bata at tinulungang idikit ang sulat sa pinto ng ref.

"Ano ba kasi 'yan?"

"Invitation po para kay Papa..."

"Invitation?" Binasa niya ang laman ng sulat. "Wow! Ikaw pala ang representative ng class nyo sa declamation contest! Bakit di mo na lang sabihin?"

"Gusto kong isurprise si Papa kaya di ko sinabi..."

"Oh tara na!"

Makailang ulit na hinanap ni Kyle ang kanyang ama sa karampot na bilang ng tao sa stadium ngunit bigo siya. Maging si Jazz ay umasang darating si Donald pero kahit anino ay hindi niya napansin. Bagamat nanalo si Kyle ay umuwi itong malungkot.

Gusot ang mukhang pumasok ng bahay si Kyle. Hindi niya pinansin si Donald kaya nagtaka ang ama.

"Kyle, may nangyari ba?" tanong agad niya pero hindi nagsalita ang bata. "Jazz?"

"Nagtanong ka pa?"

"Kasi di ko alam!"

"Ngayon ang ang declamation contest na matagal pinaghandaan ni Kyle!" iritableng boses ni Jazz. "Hinintay ka nga niya e. For your information, nanalo nga pala siya."

"Hindi ko alam," nalulumong sagot ni Donald. "Hindi naman sinabi sa akin."

"Hindi pa ba malinaw? Gusto ka niyang sorpresahin!" sakrastikong tugon. Para sa kanya sobra na ang pagpapahirap ni Donald sa emosyon ng bata. "Sumulat pa nga siya sa'yo." Sinulyapan niya ang sulat sa pinto ng ref pero wala na doon.

Hinubad niya ang suot na jacket at inihagis sa sofa sa sobrang pagkairita. "Hindi ko nabasa. Kung alam ko lang darating agad ako." Tulad ng dati tumalikod si Donald para iwasan ang pakikipagtalo.

"Kyle, huwag ka ng malungkot. Hindi pala nabasa ng Papa mo ang sulat. Siguro nilipad ng hangin ang sulat."

Niyakap ni Kyle si Jazz. "Buti po nandoon kayo. Kung nagkataon wala pong magsasabit sa akin ng medalya."

Bumitaw sa pagkakayakap si Jazz nang may napansin sya sa hinubad na jacket ni Donald. Sa bulsa noon ay may nakasilip na piraso ng papel na hawig sa ginawang invitation ni Kyle. Lumapit siya para makasigurado. Hindi siya nagkamali. Dumilim ang kanyang paningin dahil nakuhang magsinungaling ni Donald. Kahit wala siyang karapatang makialam ay sinugod niya ang ama ni Kyle.

"Hoy! Napakasinungaling mo!" sigaw ni Jazz. "Pati bata niloloko mo! Sinasaktan mo."

"Ano bang sinasabi mo? Sumosobra ka na ah!" Mataas na din ang kanyang boses. "Umuwi ka na nga!"

"Bakit nakukuha mong magsinungaling sa anak mo? Hinintay ka nya. Hindi mo man lang inisip ang nararamdaman niya!"

"Kulit mo. Hindi ko nga nabasa!"

Kinuha ni Jazz ang jacket ni Donald. "Ano 'to? Hindi mo nabasa o wala ka talagang pakialam sa nararamdaman ng anak mo! Hindi sapat ang materyal na bagay lang para maging masaya ang bata... Kailangan ka niya bilang ama. Pamilya.."

Umiwas muli si Donald. Ayaw niyang magsalita. Hindi niya kailangang magpaliwanag. "Pasensya na. Hindi ko talaga nabasa..."

Umiling si Jazz. "Ganyan ka naman. Lagi kang umiiwas." Hinila niya ang braso ng kausap bago pa ito makaalis. "Hindi ko alam kung nagtatanga-tangahan ka para sabihin hindi mo nabasa pero nasa bulsa mo... Siguro tanga ka nga kaya manhid ka."

"Oo tanga ako! Tanga ako!" Napaupo si Donald. Bago nagkasakit ang kanyang asawa, nadinig din nya ang mga katagang iyon. Ang inakala niyang makakaunawa sa kanya , ay sisihin pa siya sa kanyang kamangmangan kaya mahirap ang kanilang buhay. "Kasalanan ko ba kung hindi ako natutong magbasa? Kasalanan bang isipin ko ang kabutihan ni Kyle?"

Hindi napigilan ni Donald ang pagbagsak ng kanyang luha. Sariwa sa kanyang alaala ang mga pangungutyang natatanggap niya. Ang hirap na nararanasan niya sa tuwing bibili siya sa tindahan. Iniuntog niya ulo sa mesa.

"Sorry hindi ko alam." Nakaramdam ng matinding awa, paghanga at pagkapahiya si Jazz. Hindi niya alam kung tama ang ginawa niyang panghihimasok sa buhay ni Donald.

"Ngayon alam mo na kung bakit may tutor pa din sa Kyle." Tumayo siya para umiwas.

"Papa," wika ni Kyle. Hinila niya ang ama at inabutan ng lapis. Naglakad sila pabalik sa mesa. Kumuha si Kyle ng papel at iniabot sa ama. Ipinatong ni Kyle ang kamay niya sa kamay ng ama. "Papa, A. Sabihin mo A."

"A." Dahan dahan kumilos ang kamay ni Kyle at sumunod naman si Donald hanggang makabuo sila ng letter A. Gumuhit sa pisngi ni Donald ang luha dahil tanggap ng anak ang kahinaan niya.

Pasinghot-singhot na pinanood ni Jazz ang tutor ni Donald.




"B. B, Papa."

"B."

-end-

Tagu-taguan


"Anong meron d'yan Enok?" tanong ni Adong.

"Ibon.. Maya."

"Pwedeng makita?" hirit agad ng matabang si Denden.

Binuksan ni Enok ang kahon at ipinasilip sa dalawang bata ang ibon sa loob.

"Patay na!" Sigaw ni Adong.

"Buhay pa!" giit ni Enok.

"Hindi na yata gumagalaw." kunot noong wika ni Denden.

"Natutulog lang!" Kinalog ni Enok ang kahon at bahagyang gumalaw ang pakpak nito. "Oh di ba, buhay pa oh."

"Ano naman gagawin mo d'yan?"

Bago pa makasagot si Enok ay may umagaw mula sa kanyang likuran ng suot niyang sombrero. Si Jordan. Tumakbo siya palapit kay Jordan para bawiin ang sombrero pero inihigas ito sa kasamang si Teban. Nagtawanan ang dalawa sa paghabol sa kanila ni Enok.