Skinpress Rss

Sorpresa


Sorpresa
- Ant Adventure


Si miles ay isang masipag na langgam. Plano kasi nyang pag-aralin ang anak nya sa La Salle kaya todo sikap siya.

Miles: Anak pagpasyehan mo na ang naiuuwi kong pagkain.

Anak: okay lang po 'yun tay, masarap din po naman ang max friend chicken.

Miles: Salamat sa pang-unawa anak. Sige labas muna ako baka may mabebentahan ng havianas at crocs.

Sa paglalakad ni Miles may nakita syang matandang uod na nangingisay sa broadway. Agad nya itong tinulungan.

Miles: Lolo tulungan ko na po kayo. Ano pong nangyayari sa inyo?

Uod: Nangingisay, obvious naman iho. Salamat, dahil sa kagandahan ng loob mo nais kong ituloy mo ang aking misyon. Dahil hindi na ako magtatagal.Hik!

Miles: Misyon po lolo?

Uod: Oo misyon ang slow mo naman gusto pa inuulit. Ubo! ubo!. Pumunta ka sa bundok tralala may naghihintay sayong sorpresa. Pero magiingat ka dahil maraming pagsubok.
Ubo! ubo!

Miles: Bundok tralala? Lolo ano pong misyon...(tulad ng ibang pantaserye naglaho ang uod na parang bula) wink!

Nagdecide si Miles na tanggapin ang hamon puntang bundok tralala chance nga naman na umasenso kapag nakamit ang sorpresa.

Sa reception hall ng bundok tralala..

Kalapati: Hi! my name is rachie how my help you sir?

Miles: Pupunta ako ng bundok tralala.

Kalapati: Sino po contact person nyo sir?

Miles: Ah e.. Punta lang ako dun para sa sorpresa e.

Kalapati: ah kay kuya Michael. Sir pafill up na lang po ng waiver at paiwan na rin po ng iPhone nyo bawal po kasi sa loob.


At tulad ulit ng old school na kwento nakipagtagisan si Miles ng talento sa amerikano at hapon.

Napasabak agad siya sa dance revo na natapos agad nya. (dami kasing paa) Nakipagsagupaan sa creeps para maglevel up. Along the way nya eh nakuha pa siyang judge sa rematch ng karera ni pagong at kuneho this time may baong kape si kuneho. Dahil ayaw magpatalo ni pagong isinama nya ang kanyang coach na si Splinter. Nakasama ni Miles ang mga respetadong judge na kinabibilangan nina willie the pooh, governor bee at Instilledbee (patay ka panjo infraction yan!).

Naantala ang paglalakbay ni Miles kaya nagtanong siya ng shortcut puntang bundong tralala.

Miles: Ah sir, pwede po magtanong ng shortcut puntang bundok tralala?

Doding daga: Pwedeng pwede. Pero ano ibabayad mo eh wala kang dalang gamit.(habang naglalagay ng kiwi sa bigote)

Miles: Ito na lang pong havianas ko.

Doding daga: Ah sige. Kita mo ba ang kantong iyon?

Miles: opo.

Doding daga: Hindi pa yun. Eh yung isang kanto kita mo?

Miles: Opo. Iyon na po ba?

Doding daga: wow. Linaw ng mata mo. Pero hindi pa rin yun.

Miles: Niloloko mo ba ko? Gusto mo kick ko back mo? (akmang itatadyak ang apat na paa)

Doding daga: woh!. Be Cool pare. Inaaliw lang kita. Stay put ka lang dito have some beer. Dadaan ang pedicap ni Mar Roxas papunta yun sa tindahan ni Aling Aiah. Dun makakuha ka ng libreng tiket galing kay Manny Villar puntang paanan ng bundok tralala. gets?

Miles: gee thanks! Tagay!


After an hour dumating ang pedicab ni Mar. Twenty na yata ang sakay. Since puno na, sa likod na lang ni Mar siya sumakay. Nainterview din sya kung anong pangarap nya sad to say hindi sya nakasama sa video.

Sa tindahan naman ni Aiah madaming tao, hindi dahil sa pila ng libreng tiket kundi sa mga extrang binayaran sa paggawa ng new political video ni Villar. Pero bago siya makasakay ng eroplano kelangan nya munang dumaan "don't lie to me" at itest kung infected ng swine flu.(iniisip ko lang kung may injection para sa langgan).

As usual Asian Spirit ulet ang eroplano. (peborit ko airline eh kaya wag na kayo magtanong ). Habang nasa eroplano, iniisip ni Miles kung anong sorpresa ang naghihintay sa kanya. Bigla kasi nawala ang uod.
Ikakayaman kaya ni Miles ang pag-akyat sa bundok tralala o lalaki lang ang kalyo nya sa paa?

Well excited na rin ako malaman. Lumanding ang eroplano, naisip muna ni Miles magsuklay (ewan ko ba kung baket nagsusuklay yung mga nababa ng eroplano. Parang jeep lang ah) tinungo agad ni Miles ang entrance ng bundok tralala. Napakamot sya ng ulo, may kumagat yatang lamok o kinagat ng langgam. Tinitigan nya ang signboard "please step your left foot for identification". Tumitig sya at tumitig ulet.
"Alin kayang paa, bahala na si spongebob!", sabi sa sarili.

Computer: "congratulations! Welcome to mount tralala."

Umakyat agad si Miles ng bundok tralala. Subalit kelangan nya pang magbutt spell ng "Mississippi" at "Association". (uy magbutt spell ka din para sabay kayo).

Dahil sa pagod nakikain muna sya sa kasal ni juday at ryan. (sosyal balai resort pareng ryan syensya na kung hindi ako nakarating). After kumain naglakad na ulet siya. Dalawang ilog ang kanyang tinawid at namahangma sa isang bahay sa Camella na may batang bulilit.(bulilit bulilit) Napatsismis kung maganda ba talaga sa Camella at kung patay na ba talaga si Rustom Padilla.

Miles : Pinatay po ba si Rustom Padilla?

FG : I practice my right of self incremination.

Lacson : binaril ba? Wala akong kinalaman dyan.

Jun Lozado : ah e. Ako po eh probinsayanong intsik lamang. Kumain lang po ako sa outback nung nawala si Rustom

Abalos : dahil sa burjer worth dying for

Ted Failon : Suicide yan

QCPD : May foul play nilinis ang crimes scene.

Jocjoc Bolante : Uminom ng fertilizer

John Rezado: magdeposit ka ng 1.6 million sa bdo acct ko para sagutin ko.

Anabelle Rama : dong, idedemanda ko nagkakalat ng tsismis na yan.

Pacquiao : You know. Vitwater. Thank you very much 1st of all to madam president.

Tsao : mukhang maid

Norgalez : chacha ang sagot dyan

col center agent :what patay? Si rico yan patay na rin daw?


Dahil nagnose bleed siya sa mga sagot minadali na nya ang paglalakbay(minadali na rin ng otor tamad magtype).

Sa wakas nasa pink na tutok na sya ng bundok tralala. Malapit na ang sorpresa. Nagulat sya.Tama nagulat siya sa kanyang nakita. Andun ang matandang uod at nakatawa sa kanya. Biglang sumigaw ang matanda.

Uod : Yari ka! Nasa bfv ka!

Sa sobrang hiya. Kumaway na lang sya sa kamera.