Skinpress Rss

My Symbianize Poem Writing Contest Entry


first time ko gumawa ng serious na tula kaya sobrang hirap
buti naka16 lines ako tapos may topic pa at need maggamit ang mga words na
"banayad," kalendaryo" at "kamias"



eto yung photo na topic ng contest







POStER

niyakap ko ang talim ng kamalian
itinaboy ko ang lambot ng kabutihan.
Nilunok ang isinisikad ng tyan
isinuka ang katotohanang banayad sa lalamunan.

Nagkunwari akong nasa tamang landas
kahit matagal ng naligaw sa daang binagtas.
Niyakap ang pait ng kasinungalingan
upang matanggap sa mundong ginagalawan.

Sa balat-kayong dumadalaw sa aking ugat
natanggap ako ng mundong minsa'y sa'kin humamak.
Sa bagong mukhang ibinihis ko sa aking sarili
nakamtan ko ang kinalalagyang pangarap lang dati.

Hanggat makulay ang petsa ng kalendaryo
mananatili ang hiram na mukha ko.
Mananatili ang yaman na ipininta ko
bago maging kamias muli ang huwad na tala ko.