Skinpress Rss

kamatayan goes emo (//.0)


kamatayan goes emo

hmp! hmp!

busy na naman. dami na namang namamatay. hmp! Ilang araw na akong hindi nakakapagbukas ng account sa friendster at multiply. Naiingit nga ako kay lucifer bago na naman daw ang primary pic. Buti nga siya kahit emoticons lang yung ibang pic eh maganda pa rin ang smile. Eh ako malungkot man o masaya blank ang expression. hmp! Sino ba namang poncio pilato ang nag-isip na tanggalan ako na mukha. Hindi ko tuloy macheck kung may pimples na ako sa mukha. Kaya nga hanggang ngayon hindi ko masipot yung ka-eye ball ko. Naaasar nga ako kahit c2c hindi ko magawa. Wala tuloy akong social life. Gusto ko rin naman magkalove life noh. Paano kung matanda na ako at gusto ko ng magretire? Sino mag-aalaga saken at kapag namatay ako sino magbuburol saken? Ayaw ko namang isama sa mass burial gobyerno. God sake! I'm working hard naman gusto ko ng disenteng libing.


Yang si San Pedro na yan, text lang ng text kapag may namamamatay nahihilo na ako kung sino uunahin ko e. Nagforward ng message saken eh, Rustom Padilla daw is dead, suicide rin ba yun tulad ng kay Trina Etong baka naman may foul play kasi as now wala pa akong nakikitang soul na lulutang lutang. Tagal ko ng assignment yun hindi ko pa nahahanap.
Naiingit nga ako kay santa claus kasi tuwing december lang may trabaho. May service pa siya at may kajam na usa. Hi-tech pa siya kasi may cctv nakakapili siya ng ruta. Minsan nga napatambay ako dun may nagwiwish na mamatay na raw si GMA pambihira dagdag pa yun sa trabaho ko. Tsaka hindi yun kaya ng gps tracker ko liit masyado kaya hindi tamaan ng radar. Hay naku kapag nandito na yun baka araw araw magrally ang soul society.

At ang isang ikinasasama ng loob ko eh lagi akong nakablack tapos overall pa kahit tag-init. Kahit magcoke ako araw araw hindi ako mapapasmile.

Teka tanong lang, sino ba nagsabi na kapag umaalulong ang aso eh darating ako? Nakita na ba ako ng nagkalat ng tsimis na yan? Nagkaroon na ba sila ng heart to heart talk ng mga asong yun? Pati naman pagkabaliw ng aso isisisi pa sa akin. Haler!

P.S.
Sana sa sunod na movie about me eh love story naman.