Skinpress Rss

casperlita - ang baklang ghost


Ito ang latest kong kalokohan.
base sa tunay na buhay
sa paglalahad ng baklang pumanaw :rofl:


CASPERLITA - ang baklang ghost


Aba teka, nasaan na ang nitso ko dito? If my memory serves me right, dito ako inilibing ng family and friends ko. Eh baket Rustom Padilla na ang nakasulat sa lapida? (Patay na pala ang mokong na 'yun). Jusko! nalipat siguro, squatter na nga nung buhay pati ba naman sa kamatayan? Hanapin ko muna apartment ko pero teka makinig ka muna sa chika kung pano ako natsugi.


Ahem, ako lang naman 8 time reyna ng miss gay representing the beautiful city of Cavite Citiey.Trueness walang halong eklavu. Walang sinabi ang Janine na yan.. Hmp! Ay naku naliligaw ang kwento ko nasan na ba kasi ang bongga kong nitso? Baket nga ba ako nag-evaporates sa earths crust? Simple lang ginaya ko si Trina Etong nagsucuide ako akala ko kasi sisikat din ako . Anyweiz and means, nainlove kasi ako sa isang guy :giggle:. He is so gwapo xoxo laglag nga panty ko kapag dumadaan sya. Matipuno pa na pinapangarap ng lahat ng babaeng walang matris. Sino siya? Huwag ka naman excited naiiyak kasi ako kapag naaalala ko.. (tissue nga manong supulturero) hikbi. Siya lang naman si Joeffrey hay naku, kahit labag sa batas ng beauty ko umamin ako sa kanya na love ko s'ya. Akala ko matutuwa s'ya pero I was neglected at nabastos ng time na yun.. It hurts ate charo eh manong supulturero pala. Sinabi ko sa kanya na "mahal kita Joeffrey kahit ang sakit sakit na". Ang sagot ba naman eh iligo mo lang yan. Tapos sinabi ko "baket hindi mo ko matutunang mahalin?". At ang sagot alam mo? Wait! wiwi muna ako.
(after two jurassic years natapos ang pagwiwi)
Nabitin ka ba? sus, if know sumilip ka. Nacurious ka kung nagpasex change ako. Hindi ko sasagutin. Try me para malaman mo. Yummy ako promise.
Ay! naligaw na naman ako dapat pala left turn ako palpak na naman ang gps. Back to topic, after ko magtanong kung baket hindi ako matutunang mahalin ang sagot ni joeffrey eh, "dahil pareho tayong lalaki". Big deal ba yun? Haler! Tell me manong? Dati naman kapag nagsasagot sya ng slumbook ko eh ang requirement lang naman nya sa mamahalin nya eh mabait at mapagmahal. Qualified ako dun. Mabait ako kasi marami akong scholar at mapagmahal dahil mahal ko lahat ng scholar ko..xoxo cute din sila.
Naimbeyerna ako sa sagot nya. Tinangka kong tumalon sa riles ng LRT pero may nauna na saken kaya hindi ko kinarir then nanood ako ng movie hindi para maglibang. Pumipili kasi ako ng magandang tip sa suicide. Eh saktong may news na nagpakamatay ang asawa ni Ted Failon.. Aba Etong pala yun. Kaya kinarir ko kasi may chance na sumikat ako at baka mafeature pa sa MMK. Since wala ako gun nagpunta ako sa Mindanao sumakay ako sa Asian Spirit. "welcome to Asian Spirit you fly like a bird you land like a Spirit" katakot ang plane. Nung dumating ako dun chumika ng konte sa abu sayyaf and i remember kinulot ko si Maryjane Lacaba ay walang pag-asa chaka talaga sya. Then umanib ako sa samahan, when i have the chance na i put my cute finger sa tigger ng gun. Nagmake-up nga pala muna ako para prepared ako sa event. Hayun itinutok ko sa right temple ang gun. Lipad lahat ng birds sa lakas ng sabog. Eto soul na ako, beautiful soul.
Yan manong, ginawa kong lahat yan dahil sa love.. Sana dumalaw saken si Joeff ko.xoxo
oh next time na ulet ang kwento nakita ko ng ang apartment ko. Infairness nasa penthouse ako. Hayun oh Nador ang name nasa topmost.