Skinpress Rss

rated pG


Paunawa.Ang sulating ito ang naglalaman ng sensitibong pananaw.Malinaw na pag-iisip ay kailangan.

RAted PG
sa panulat ng aking tuyong tina..
Nabuhay ako para tapusin ang buhay ng mga taong sumasalungat sa aking paniniwala. Pakiramdam ko wala ng mabuting tao sa mundo. Wala ng batas na para sa tao.Bata pa lang ako nung una akong pumatay. Tandang tanda ko pa kung paano ko inundayan ng saksak ang aking mga magulang upang ipagtanggol ang aking sarili. Tinuruan nila ako magnakaw para buhayin sila. Sa tuwing uuwi ako na walang nanakaw ay pasa at sugat ang inaabot ko. Sa edad kong labing isa noon ay nabuo ang aking matinding galit. Matapos nilang umuwi ng talo sa sugal at lango sa alak, ibinunton sa aking ang lahat ng kamalasan. Buo na ang aking plano, kailangan na ng pagbabago. Una kong inundayan ng saksak ang demonyo kong ama kasunod ang ang walang kwentang ina. Nagdilim ang aking paningin, nangibabaw ang galit, wala na akong magulang. Malaya na ako.Dinala ako sa DSWD para iwasto daw ang aking pagkakamali. Pero alam ko na iyon ay tama. Iyon ang nararapat. Lumipas ang 10 taon, kailangan ko ng lumabas para ituwid pa ang isang pang pagkakamali. Kailangan kong wakasan ang kababuyang ginagawa ng aking tiyuhin sa aking kapatid. Walang araw na hindi siya umiiyak sa kahayupang dinadanas sa nag-iisa na naming kamag anak. Makailang ulit na panggagahasa at pambubugaw ang umaabot sa aking balita. Hapon noon, katatapos lang ng lingguhang sabong,masaya si tiyo. Nanalo yata. Magsaya ka na. Iyan na ang huli mong tawa. Agad ay isang tubo ang humampas sa malademonyo niyang mukha. Kitang kita ko kong paano siya magmakaawa at humingi ng tulong. May ilang sigaw akong naririnig, may humihingi ng awa, may umiiyak at may natatakot. Ilang hambalos pa at tuluyang na siyang binawian ng buhay. Hindi ko alam kung masaya ako. Galit na lamang ang natitira kong pakiramdam. Hindi ko na maalala kung kailan ako huling ngumiti o kung nakaranas ba ako ng pagngiti.Simula noon ako ay kinatakutan sa kalye Noebo, lahat ay umiiwas na parang mayroon akong sakit na nakahahawa . Ilang pang mga magnanakaw ang aking pinatay matapos saktan ang matadang walang laban. Ilan ding durugista ang aking nilipol. Itinaob ko ang katawan ng sinumang pulis na gustong humuli sa akin. May natuwa, may nagalit, may humusga at may nagpasalamat.Marahil ako ay inyong huhusgahan na mali ang aking ginawa. Para sayo ay may batas na dapat magparusa at may Diyos na may karapatang humusga. Pero sa kalye Noebo, binibili ang batas at inilalako ang pananampalataya. Masisi mo ba ako sa aking mga nagawa!?. Tanawan mo ang aking paniniwala. Alispustahin mo ang aking pagkatao. Kaawaan mo ang dinadanas ko. Pero tanungin mo rin ang sarili, may nagawa ka na ba para ituwid ang mali ng tao? Kumilos ka ba para sugpuin ang kaapihan ng nasa paligid mo? Nabuhay ako para tapusin ang buhay ng mga taong sumasalungat sa aking paniniwala. Ngayon, handa ka na bang sumalungat sa paniniwala ko? Kung oo. Mag-ingat. Malapit ko ng tapusin ang buhay mo!!.