Skinpress Rss

no title


paano mo ipaglalaban ang pag ibig na hindi para sa'yo?
paano mo ipagpaparaya ang hindi naging sa"yo?



Wesley, handa na ba ang lahat?
Opo Mommy..Mukhang mas excited pa kayo sa pagdalaw kina Janna ah.
Aba, sino ba naman ang aayaw kay Janna? sa una pa lng boto na ako sa kanya para sayo.


I met Janna during college. I sit beside her sa Physics class. Mganda kasi siya. Mahilig nya nga ako mahuli na nakatitig sa kanya. Since medyo nahihirapan siya sa Physics, gumagawa ako ng paraan para mapansin, sakto naman na hilig ko ang science. Kaya during vacant hours, magkasama kami sa library or sa kiosk para magtutorial. Dito ko naintindihan ang law of falling bodies. Sa bawat oras na pinapaliwanag ko ang falling bodies ay ang unti-unti ng nahuhulog ang loob ko sa kanya. Halos lagi akong absent sa gimik ng tropa para ubusin ang oras ko sa kanya. I even spend nights sa bahay nila para sa homework at projects, swerte namang nakuha ko ang tiwala ng parents nya. Hindi na nga ako nakakapanood ng drama ni judy ann. There are times na sentro kami ng kantiwayan na kahit madalas ang deny namin pero deep inside masaya ako. Tumambling ng 360 ang puso ko.

After graduation, naging girlfriend ko siya. We still stay in touch kahit nasa work and keep ourselves together during weekends.

"Hoy! Mr Wesley, tara na hinihintay ka na ni mama."
"Hoy! Ms Janna, kiss muna. Hehe."
"Isa lang ha."
"Matitiis mo ba ang isa lang kapag lumapat na ang labi ko?"
"Loko ka talaga. Tara na nga baka nga ikaw ang hindi makatiis eh."

Ngiting aso na naman ako. Jackpot na naman sa lotto. Maganda si Janna, mabait pa ang mga magulang nya. Ano pa ang hahanapin ko? Matapos ang dalaw at ilang halik na umaapaw, eh masaya akong umuwi. Napasipa sa lata sa tuwa, napaapir kay jollibee at nakikanta sa salabakuta. Higa agad ako sa kama pagkauwi ng bahay. Naiisip ko pa ang mukha ni Janna.

"Hello.Oh Janna baket ka napatawag?"
"wala lang namiss agad kita. I love you.hihi"
"Love you too."

Lumipas ang taon we stayed sweet as we are. Endless ang aming communication. I decided na kumuha ng Law. I enrolled sa Manila para mas maganda ang turo. Medyo malayo kay Janna pero magkikita naman kami kapag weekends. First day ko sa school minalas agad.

Blag!!

"AraY!! what the fuck!Anak ng pating.. hindi mo ba ako nakikita?!"

"Aba, miss ikaw pa ang galit eh naglalakad ka ng nakatungo. "

"Malay kong susulpot ka dyan. Napakademonyo mo.! Kelan pa pinagbawal ng saligang batas ang patungo?"

"Hindi bawal pero kapag nakasakit ka liable ka for physical injury!"

"Hoy mister pero kung dahil sa negligence mo kaya ka nasaktan ikaw pa ang liable.!

"Bahala ka na nga late na ako.!"

Sa sobrang kamalasan parehong klase pa ang aming papasukan.

"Ang kapal naman ng mukha mo, hanggang dito pa ba naman susundan mo ako?"

"Hoy, babaeng maton! Dito rin ang klase ko kaya huwag kang magtatalak dyan.!"

"Walang modo."

"Mr Wesley and Ms Denise, could you please lower down your voice in my class?"

"I"m sorry sir. Kung hindi lang ito babae inupakan ko na."
"Anu sabi mo? bimubulong bulong mo jan?"
"Sabi ko maganda ka warfreak ka lang."
"Sinong warfreak? bastos ka talaga ah."

"BOTH OF YOU GET OUT OF MY CLASS NOW", sigaw ng instructor


"Walanghiya, dinamay mo pa ako sa pagkawarfreak mo."
"Anung ako eh kitang kita ko ikaw na bulong ng bulong."
"Nakita mo akong nabulong, tinitigan mo pala ako siguro crush mo ako kaya mo ako pinagtitripan. Sorry na lang may girlfriend na ako."
"Kapal talaga ng mukha mo. Hindi kita papatulan at may boyfriend din ako na hindi pa kasing angas mo."
"Hay naku, makaalis na nga, sawa na ako sa boses mong daig na pa ang sirena."


Ngayon lang ako nakipagtalo sa babae sa buong buhay ko. Kaya kahit alam kong wala akong kasalanan, dapat akong humingi ng tawad. Mas ok na rin yung walang kaaway sa klase. Kaya kinabukasan nag aaproach agad ako sa kanya.

"Miss Denise, right? Im sorry nga pala kahapon. Medyo nadala ako sa mga nasabi ko."
"Ah yun ba? pasensiya ka na rin medyo problemado lang ako kahapon tsaka mali rin naman talaga ako sa pagdaan dun nagmamadali lang talaga pumasok."
"so, we are ok na. Im Wesley."
"Im Denise, so im looking forward for our friendship."
"Ako rin, Im glad naging ok tayo."
"Halika sa canteen, ilibre mo ako ng mapatawad talaga kita."sabi ni Denise.
"Maganda ka pala kung hindi ka galit." biro ko.

after few hours of conversation naging close na kami. We open our books, nagshare ng family at lovelife na rin. Pareho pala kaming nasa relationship, medyo babaero at seloso nga lang bf nya. Since, malayo kami sa mga mahal namin naging madalas ang katiyawan namin araw araw.

"Hoy!! wesley."
"Anu ba? magnanasa ka na rin lng nanggugulat ka pa."
"Kapal tlga ng mukha mo, malapit na kaya dumating ang instructor."
"Ilang halik ang nanakaw mo saken?"
"Naaabot mo pa ba ilong mo sa kapal ng mukha mo? if i know type mo lang ako wesley kaya papansin ka."

Sya namang pasok ng nga mga kaklase nila.. "Uyyy...nagkakamabutihan ang dating aso"t pusa".

"Nagkakamabutihan? Naku, never akong maiinlab sa babaeng gerilla na ito"

"Grrr... kapal mu din naman Mr. Wesley hambog, ang layo mo sa bf ko para mainlab ako sa"yo."

"Tama na nga to at nandyan na si sir"

Naging maayos na ang samahan namin ni Denise after ng maaksyon palitan namin ng salita. Akala ko dragon siya e mabait naman pala e. Siguro takot sa kanya ang bf niya. Naikwento ko kay Janna ang nangyari at halos matawa siya sa pagpapalabas samin ng instructor.


"Nakahanap ka ngayon ng katapat ah."
"If i know, nahumaling lang yun sa kaguwapuhan ko."
"Sus, hambog.Halika nga dito sa tabi ko patunayan mo ang kaguwapuhan mo.hihihi."
"Rawr!"

Snooth ang relationship namin kahit weekends lang kami magkita. Pero sa bawat araw ng pag uusap namin ni Denise, something is developing inside of me. Hindi ko maiwasan na hindi magpapasin.

"Denise, baket maganda ka yata ngayon?"pabulong kong wika
"shhhh. wag ka maingay baka marinig tayo ni prof tsaka matagal na ako maganda at alam ko na may pagnanasasa ka saken. hihihi"
"Ows, if I know, nagpapacute ka lang saken"
"Nood tayo sine after ng class."
"sige. Para naman makatingin ka saken ng palihim..hehe"

Days passed naging malapit ang loob namin lalo. May time na nawawala sa isip ko si Janna dahil sa outstanding naming samahan.
Malimit kami magkasama sa kiosk na for tutorial and research na dati naming ginagawa namin ni Janna. Witty siya kaya madali hahanga ang isang guy sa kanya

I was so happy ng mkita ko si Denise sa may panrty. Masayang kwetuhan na naman after weekends. But it turned to be a bad event. She was having trouble with her relationship. Nagseselos ang bf niya kapag nakukuwento niya ako or biglaang nasambit ang pangalan ko. She explained her side.

"Tara, samahan mo ko."
"Lets enjoy kesa magemote ako dito."

Nagyaya si Denise magpalipas ng sama ng loob dahil sa pagiging seloso ng bf nya. Ilang bote ng alak rin ang naiinum namin bago ko siya nagyaya umuwi. Inalalayan ko siya, subalit dala na rin ng kalasingan eh nawalan kami ng balanse. Nayakap siya sa akin. Ramdam ko ang bawat buntong hininga nya at ramdam ko rin na pahigpit ng pahigpit ang yakap nya. Hindi ko na alam ang nangyayari, ang alam ko lang ay hindi ako tumututol sa alam kong mali. She kissed me. Hindi ko alam kong ano ang pumasok sa isip ko para gumanti ng halik, nalilito ako dahil wala halong pagnanasa ang ginagawa kong paghalik. Ilang araw na rin akong lito sa nararamdaman ko para sa kanya. Sa bawat haplos nya sa aking bewang ay lalo ko siyang siniil ng halik. . Alam kong mali. Nagkasala kami.

Matapos ang gabing iyon hiyang hiya ako sa kanya. Hindi ko alam kung dapat pa akong lumapit. But I have to do it.

"Ah. Denise..."
"Wesley, wala yun."
"Pero.."
"Wesley kaya kami nagkakagalit ng bf ko kasi im starting to like you. I confess sa kanya."
"Ganun din ang nararamdaman ko, pero si..si.."
"Si Janna. Wag ka mag alala Wesley. Walang lalabas sa nangyari at ayaw ko rin masira ang relationship namin."
"So pano tayo."
"Ewan, mahal kita. Kahit saglit pa lang tayo nagkakilala. Gaano mo ba ako kamahal Wesley?"
"Hindi ko alam. Walang sagot. Ang alam ko lang mahal kita kaya mahal kita."
"Lets stop this."

Napayakap saken ng mahigpit si Denise. Sinabi nya na siguro naghahanap lang siya ng pagkukulang ng bf nya kaya nahulog ang loob nya saken. Ayaw nya sirain ang magandang samahan namin ni Janna. Nagpahatid na siya pauwi sa kanila. From there we have our last tender kiss.


"Hoy, Wesley, ano pang iniisip mo?? Tara na excited na ko mamanhikan"
"opo mommy."


-end-